Mas Malaking Business, Mas Malaking “Paso”

Mas Malaking Business, Mas Malaking “Paso”

Stressed girl overwhelmed by many customers.
Stressed girl overwhelmed by many customers.

Kapag lumalaki ang halaman, darating ang point na hindi na ito kasya sa paso. Hindi ibig sabihin na may problema sa halaman. In fact, kabaligtaran. It means healthy siya. Lumalaki ang roots. Dumadami ang branches. Kailangan lang niya ng mas malaking space para patuloy na lumago.

Pero hindi rin simple ang paglipat. Kailangan ng bagong paso, bagong lupa, at oras para ma-adjust ang halaman. At habang ginagawa mo yon, kailangan mo pa ring siguraduhing hindi masisira ang growth na pinaghirapan mo.

So bakit natin pinag-uusapan ang halaman kung financial company website ito? Dahil tulad ng halaman, kapag lumalago na ang business mo, darating ang panahon na kailangan na nito ng bagong “paso.”

Baka bigla mong itanong: Bagong paso? What does that mean?

Growth mode na ang negosyo mo!

Sabihin nating lumalago na ang business mo. May steady customers ka na. May steady income stream na. Efficient na ang systems and processes mo. Dumadami ang customers. Lumalawak ang operations.

Hindi ka na survival mode. Growth na ang priority.

Pero may bagong challenge. Lumalaki na ang business mo, pero hindi na sapat ang current setup mo para sabayan ang paglago nito.

Kung manufacturing or wholesale ang negosyo mo, baka kulang na ang storage space mo para sa inventory. Ang dami nang orders, pero limitado ang space mo. Kung food business ka naman, baka palaging puno ang restaurant. May customers na gustong kumain pero naghihintay dahil wala nang available na tables. Or maybe may bagong client na gustong mag-place ng malaking order. Kailangan mo ng additional equipment, vehicle, inventory, or people para ma-accommodate siya.

In other words, lumalaki na ang paso na kailangan ng business mo.

At tulad ng halaman, ang expansion ay nangangailangan ng investment bago mo makita ang resulta ng next stage ng growth.

Ang challenge: hindi mo naman gustong bunutin ang halaman at itapon ang buong paso para lang mailipat to.

Hindi mo gigibain ang restaurant na kumikita na para lang makapag-expand. Hindi mo aalisin ang lahat ng inventory mo para magkaroon ng bagong warehouse. At lalong ayaw mong gamitin ang buong savings mo para lang ma-fund ang expansion. Patuloy pa rin ang

operations mo habang nageexpand. May expenses ka pa rin. May sweldo na kailangan bayaran. May inventory na kailangang iprocure.

Gusto mong lumago, pero hindi kapalit ng lahat ng pinaghirapan mong buuin. Dito pumapasok ang real challenge ng expansion: risk management.

Malaki ang risk kung gagamitin mo ang lahat ng available cash mo para sa expansion at biglang kailanganin mo rin ang pera para sa daily operations.

Pero may risk din kung palalampasin mo ang opportunity dahil wala kang capital na readily available.

So what do you do?

Tuloy pa rin ang operations

Habang lumalaki ang business, hindi lang revenue ang kailangang isipin. Kailangan mo ring isipin kung paano mo bibigyan ng sapat na space ang business para mag-grow without putting everything you’ve already built at risk.

Dito nagiging importante na may matibay kang financial foundation.

Tama lang naman na gamitin ang savings mo para sa paglago ng negosyo. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mong ubusin to every time may bagong opportunity. Ang kailangan mo ay access to capital. Dito nagiging valuable ang access sa isang credit line. Kapag may access ka to a credit line, may panibagong source of capital ka when the business needs room to grow. In other words, kaya mo bumili ng bagong paso with less risk. At kung kailangan mo ng credit line, ang partner mo sa negosyo ay si Lloyd's Financing.


Loan vs Credit line: It's about flexibility

Imbes na mag-apply para sa isang malaking loan sa banko, ang credit line ng Lloyd's ay binibigyan ka ng flexibility upang maka expand nang paunti-unti. Kung ano lang ang kailangan ng business ngayon, at saka ulit kapag may panibagong opportunity. Hindi kailangang sabay-sabay ang paglaki ng business.

May opportunity to add another vehicle?

Boom, may access ka sa pondo.

Need additional inventory for a bigger order?

Ayan, may capital ka na uli.

Ready for another branch, equipment, or expansion?

We gotchu, fam.

Ready na for another branch or bagong equipment? Hindi mo na kailangang maghintay ng ilang buwan para ma-approve. Kasi ang point ng credit line, laging ready, hindi lang pag may malaking loan application na kailangan mong dumaan.

Nandiyan ang credit line bilang financial resource kapag kailangan ng business mo ng room to grow.

Kasi iyon naman talaga ang kailangan ng isang expansion-ready entrepreneur. Hindi lang mas maraming pera, kundi more flexibility, more preparedness, more room para lumago. Tulad ng isang healthy na halaman, hindi dapat tumigil ang business mo sa paglago dahil lang hindi na kasya sa paso nito.

Tulad ng isang healthy na halaman, hindi dapat tumigil ang business mo sa paglago dahil lang hindi na kasya sa paso nito.

Bigyan mo ng sapat na room para lumago ang business mo, habang pinoprotektahan ang lahat ng pinaghirapan mong buuin.

Ready ka na bang lumipat sa bagong paso? Kausapin ang Lloyd's Financing at alamin kung paano ka pwedeng bigyan ng access sa isang credit line na sumasabay sa bilis ng paglago ng negosyo mo.

Search

N

NC Goods

Lloyd’s: Kaagapay Mo sa Pag-asenso

B

Mr. Borromeo

11 Out Of 10 Kayo Sakin!

F

Frendzy CAFE

Sa Lloyd’s, Makakaipon ka!

Q

QLL Auto Repair Shop

Malaki Na Pala Ang Ipon Ko!

M

Maharlika Integrated Logistics Solutions Inc.

Pay Less, Save More!

N

Ms. Narne

Hindi Mo Ramdam, May Ipon Ka Na.

A

Albert Garrido Fiberbro

Konting Tyaga Lang Baka Milyon Na Ang Savings Ko!

M

Mr. Malana

Lloyd’s: Tested at Maasahan During Emergency!

P

Mr. Parojinog

Basta LLOYD’s, Madaling Lapitan! Anytime, Anywhere!

T

Tomodachi Japanese Food Station

Magse-Save Ka Lang, Kikita Ka Na!