"Momentum." What a word. Ano nga ibig sabihin nito pag dating sa negosyo? Usually, pag sinabi mong "momentum in business", people will think "growth." Not true. Sa negosyo, momentum is your ability to keep moving without interruption. Parang nagddrive ka lang ng kotse. Ang momentum ang kakayanan mong magdrive ng walang sagabal, yung hindi mo kailangang pumreno o bumagal. Kasi sa negosyo, para kang nasa karera. Kahit sino naman pwede magdrive. Pero hindi lahat kaya mag drive nang hindi tumitirik, nag-o-overheat, o napapahinto sa gilid kapag matagalan. Lalo na kung mabilisan ang andar. Karera nga, diba? At kung matagal ka nang nagpapatakbo ng negosyo dito sa Pilipinas, alam mo na siguro yung pakiramdam na to. May mga buwan na parang smooth lahat. Active ang projects. Masaya ang clients. Tuloy-tuloy ang sales. Busy ang team. On paper, mukhang healthy ang negosyo. Tapos biglang may lubak. Biglang may delayed payment. Dahil don, nasira yung buong process mo. Biglang hinahabol mo na ang supplier deadlines. Papalapit na payroll. Nanghihingi ng bale ang workers kasi malayo pa cutoff. May project na kailangan ng materials ngayon, pero nakaipit pa ang cash mo sa receivables. Dyan mo makikita ang difference ng "growth" at "momentum". Umaabante pa rin ang kotse, pero bumabagal na ang momentum.
Kanino ka tataya, sa mabilis, o sa pahinto hinto?
Sa karera, malaking bagay na mawalan ng kahit ilang seconds lang. Sa negosyo, ganon din. Momentum is everything. Sobrang delikado yan kung mawalan ka ng momentum. Momentum means tuloy-tuloy ang pasok ng customers. Kaya ng team mong sabayan ang demand nang hindi laging ngarag. Nakaka accept ka ng bagong opportunities kasi stable ang operations mo. May sapat kang cash flow para magpatuloy habang hinihintay ang collections. Kung pahintu hinto, o kahit pabagal bagal lang ang momentum ng negosyo, hindi lang hihina ang operations mo, may iba't ibang kapalit pa yan, at kung saan-saan. Sampol. Humihigpit ang suppliers sa terms nila. Umaalis ang magaling na empleyado dahil nagiging unreliable ang payroll. Nawawalan ng confidence ang client dahil ambagal ng project, kasi walang pambayad ng materials. Walang pambayad ng employees. Samantalang may competitor na mas mabilis kumilos at nakuha na ang opportunity. Bakit naman magcocontinue ang clients sa inyo kung yung competition e mas reliable ang momentum?
Bakit nga ba napapahinto ang negosyo?
Ano nga bang dahilan bakit nawawalan ng momentum ang negosyo? Kulang ba kayo sa
customer? Nasira ba ang equipment? Biglang nag-resign ang empleyado kasi gusto maging influencer? Bad news, pre. Normal lang yan. Business as usual lang yan. Nasisira ang equipment. Umaalis ang tao. Nawawala ang clients. That's just business. But at the end of the day, parehas lang naman ang ibig sabihin nyang lahat eh: kailangan ng pera ngayon. Not later. Now. I'll tell you what my mentor once told me. "Papalpak business mo kasi palpak ang cash flow mo." Normal ang delayed receivables, lalo na dito sa Pilipinas. Alam naman nating lahat yung sistema dito e. Kahit tapos na ang trabaho mo, minsan wala pa ring release. Kung nasa construction, logistics, trading, fabrication, o project-based business ka, narinig mo na to: “Nasa accounting na.” “For approval na.” “Next week daw release.” Oo next week sila magbabayad, e pano yung mga gastusin mo ngayon? Kailangan pa ring bayaran ang gas. Kailangan pa rin ng suppliers ang deposits. Nasisira pa rin ang equipment. Kailangan pa rin mag sweldo. Masasabi mo ba sa mga suppliers, clients, at workers mo “Follow up mo na lang next week”? Sinong hindi lilipat ng company sa ganyan. Dahil dyan nawawalan ng momentum ang maraming entrepreneurs. Hindi dahil mali ang decisions nila. Hindi dahil walang demand. Dahil napipilitang huminto ang negosyo kasi walang pambayad. Huwag mong hayaang bumagal ang negosyo dahil lang sa lubak sa daan. Hindi babagal ang competition mo.
Prevention is better than the cure
Kung panay hinto ng kotse mo, eventually maiiwan ka talaga. Talo ka sa karera. Ganyan din ang negosyo kapag bawat problema pinapahinto ka. Every month, emergency na lang ulit. Hinihintay mo muna collections bago bayaran ang suppliers. Delay muna ang purchases kasi gipit. Paulit-ulit kang naga-apply ng loan para lang makaabot sa susunod na cycle. Hindi mo napansin, buwan-buwan na pala. Delayed material order dito. Na-pause na project doon. Missed opportunity dahil “kulang pa cash flow natin ngayon.” Eventually, nagiging normal na siya. Hindi yan ok. Sobrang hindi yan ok. Habang tumatagal, mas maraming energy ang napupunta sa pagre-recover kaysa sa growth. Kaya experienced entrepreneurs know: prevention is better than cure. Prevent mo mawalan ng momentum. Prevent mo ang situation na habol ka ng habol imbis na pinapalago ang negosyo
Wag kang maghintay ng usok
Hindi ko naman sinasabi na maiiwasan ang mangailangan ng pera para sa operations. That's a lie. What I'm saying is: cash flow problems are not rare emergencies. Parte talaga sila ng normal business life. Pero hindi yon rason para bumagal ang negosyo mo. Kailan ka pupunta sa talyer? Kapag kumakatok na ang engine? Kapag umuusok na Kawawa naman ang kotse mo. Pa-check mo siya bago magka problema. Gano’n din ang negosyo. Dapat may fall back ka na bago magka problema. Kung hihintayin mong magka problema sa cash flow bago ka magapply ng loan, kada buwan, kada problema, talagang babagal yan. Pano na ang mga projects na kailangan ng capital? Pano ang mga orders na biglang sumulpot? Sayang ang opportunities.
Revolving Credit Lines: partner mo sa negosyo
So anong pwede gawin kung may lubak sa daan? For many business owners, practical ang revolving credit lines. Wala namang may gustong magka utang, diba? But this is a business reality, and a business need. Ibang usapan na yan. As a business owner, dapat priority ang continuity. Simple lang ang idea ng revolving business credit line. Imbis na mag-apply ng bagong loan kada gipit ang cash flow, may reusable credit line ka na available kaagad, basta maayos ang standing ng account mo. Imbis na huminto ang operations kada may delayed cash flow, meron ka nang access sa working capital na pwede mong gamitin kapag kailangan. So kung ma-delay ang receivables, hindi agad titigil ang operations. Makakapagbayad ka pa rin ng suppliers. Makaka-mobilize ka pa rin ng projects. Makakahandle ka pa rin ng payroll o bale habang hinihintay mag-clear ang collections. For me, the best thing about it is, hindi mo kailangang ulit-ulitin ang buong financing process kada mangangailangan ka ng support. Di tulad sa banko e kada loan panibagong application na naman. Sa revolving credit line, habang nababayaran ang balance, bumabalik ulit ang available credit. Minsan, ang nananalo sa negosyo hindi yung pinakamabilis, kundi yung hindi humihinto.
N
NC Goods
Lloyd’s: Kaagapay Mo sa Pag-asenso
B
Mr. Borromeo
11 Out Of 10 Kayo Sakin!
F
Frendzy CAFE
Sa Lloyd’s, Makakaipon ka!
Q
QLL Auto Repair Shop
Malaki Na Pala Ang Ipon Ko!
M
Maharlika Integrated Logistics Solutions Inc.
Pay Less, Save More!
N
Ms. Narne
Hindi Mo Ramdam, May Ipon Ka Na.
A
Albert Garrido Fiberbro
Konting Tyaga Lang Baka Milyon Na Ang Savings Ko!
M
Mr. Malana
Lloyd’s: Tested at Maasahan During Emergency!
P
Mr. Parojinog
Basta LLOYD’s, Madaling Lapitan! Anytime, Anywhere!
T
Tomodachi Japanese Food Station
Magse-Save Ka Lang, Kikita Ka Na!
