Welcome to another episode of our Checking Account 101 Series! We will teach you how to write on a check properly.
It is very easy to write on a check, but we are talking about a big amount of money. And because the amount is so huge, issuing checks is more convenient and safer than other forms of payment. This is why banks have implemented rules when it comes to writing checks.
Para maiwasang magkamali, follow these Tips in Writing a Check!
One important thing to note before we proceed further: when writing a check, mahalaga na alam mo ang parts of the check and how to read it.
Check the image above para malaman ang parts of the check.
Image credit: https://www.eastwestbanker.com/…/ewpr…
Step 1: Isulat ang date
The date is located at the top right portion of the check. This is important para malaman kung valid pa ang cheke. Usually after 6 months from date, STALE na ito. Ibig sabihin, hindi na pwede gamitin. Habang valid pa ito, pwede ito i-deposit anytime. Kahit anong date ang ilagay mo pwede. Pwede rin future date. This is what we call Post-Dated Check, pag ang date ay nasa future pa. Hindi pwede i-deposit hanggang wala pa sa date na iyon. Sa Lloyd’s, post-dated checks ang mode of re-payment ng amortization. Hindi naman strict ang mga banko pag dating sa format. Pwedeng gumamit ng “mm-dd-yyyy” or “mmmm dd, yyyy” (January 01, 2020). Siguraduhin lang na walang erasures at nababasa.
Step 2: Isulat ang pangalan ng pagbabayaran
On the left side, mapapansin mo na may nakasulat na “Pay to the order of,”, dito mo isusulat ang pangalan ng pagbabayaran mo, no matter if its a company or a person. Dapat alam mo ang pangalan ng pagbabayaran mo. Malimit din ginagamit ang salitang Cash sa mga game show. But if you do this, anyone can encash it. Kaya mas magandang ipangalan sa tao mismo. Walang format na sinusunod dito. Pwedeng printed or script, all caps, or small caps. Basta lang ulit na walang erasures at madaling mabasa.
Step 3: Isulat ang halaga numerically
Sa kanang bahagi naman na kahanay ng pay to order, doon mo isusulat ang halaga na babayaran mo numerically. Same as kung paano ka magsulat ng presyo. Make sure na walang erasures and nababasa.
Step 4: Isulat ang halaga in words
Below pay to order, isulat ang halaga ng babayaran mo in words. English Only Please! Hindi ko rin alam bakit hindi pwedeng Tagalog e nasa Pilipinas tayo pero English talaga dapat. At dapat tugma ang halaga na sinulat mo sa taas sa halaga na isusulat mo dito. Ayusin ang spelling at dapat wala ring erasures. Kung ang numerical amount ay hindi mabasa, ang susundin ng banko ay ang amount in words. For example nakabasa sa numerical amount is P500 pero in words, nakabasa is Five Thousand, the bank will encode “5,000”. Kaya mag-ingat sa parteng ito.
Step 5: Pirmahan ang checke
Ang pirma ay mahalaga, ito ang proof na inaprove ng issuer ang cheke. Ayusin ang pirma. Dapat pareho sa pirma mo na binigay sa banko nung nag-apply ka for a checking account. Kung magkaiba yan, the bank will not deposit the check. Depende sa type of checking account na pinili mo kung ilang signatories sa isang cheke. Ikaw lang ang pwedeng mag-sign. Pag “joint”, pwede ikaw at yung isa mo pang ka-join sa checking account. Kung corporate checking account ito, dapat ang mag-sign lang ay ang allowable signatories sa company. Minsan isa lang pwede na, minsan kailangan dalawang magkaiba.
Dati the bank allows “counter-signing” kapag may mali sa cheke. Kumbaga ok lang may erasures as long as mag-sign ka ng dalawang beses doon sa corrected portion. Ngayon, hindi na ito pwede. You have to write a new check.
Double check naman natin to make sure tama ang lahat ng info, baka sa jowa mo pala nakapangalan
So tapos na tayo magsulat sa cheke, pwede na tayo magdeposit! Abangan ang next episode ng aming Checking Account 101 Series: Depositing and/or Encashing a Check
While we are learning everything about checking accounts, alam mo rin ba na “having a checking account will improve your chances of being able to obtain a loan?
Yes, you heard it right! Isa sa mga requirements para ma qualify sa aming 0.88% Christmas Interest Rate Promo is ang pagkakaroon ng CHECKING ACCOUNT. MESSAGE US to learn more!
Again, thank you for following our Checking Account 101 Series! Kung hindi ka nakasubaybay, just scroll down below.