Isa ka ba sa mga madalas mag ipon sa alkansya o timba? Alam mo ba na may mga negatibong epekto sa ekonomiya at maging sayo ang pag baon ng pera sa alkansya?
Ayon sa isang survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 48% lang ng mga Pilipino ang may ipon. At natatanging 9% lamang ang nag-iipon sa bangko. Ibig sabihin, karamihan sa kanila ay nakatabi lang sa alkansya o timba.
Bagamat mahalaga ang pag-iipon ng pera dahil ang pag-iipon ay nakakatulong upang makapag handa sa kahit anong mangyari. Hindi naman tama na ito ay nakatabi lang sa bahay.
Kinalaman ng money supply sa GDP: Una, ang perang umiikot ay may kinalaman sa ating gross domestic product GDP. Ang Gross Domestic Product o GDP ay ang kabuuang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na nagawa sa isang bansa sa isang panahon. Ang GDP ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng tatlong pamamaraan: produksyon, paggasta, kita. Kapag mataas ang lagay ng mga ito, tataas ang GDP ng bansa at gaganda ang lagay ng ekonomiya!
Hindi magandang epekto sa ekonomiya ng pag-iipon sa alkansya: Kung ang pera ay nakatabi lang sa bahay, hindi ito iikot. Ang epekto, bababa ang GDP per capita. Pero kung ito ay naka Save sa bangko, iikot ito, dahil ang mga banko ang pangunahing pinagkukunan ng pera ng ating ekonomiya sa bansa, na may kabuuang 8.6% gross value sa ating GDP na ayon mismo sa Oxford Business Group.
Kinalaman ng ekonomiya sayo: Kung ikonsidera ang magandang dulot sa ekonomiya ng pag-iipon ng pera sa bangko, paggasta, at pag-utang. Bawat isa, may parte at makakatulong mapaunlad ang ekonomiya. Bukod dito, napupunan mo pa ang pangangailang pinansyal mo sa negosyo.
Isa ka ba sa mga nag-iipon ng pera sa alkansya o balde? Ok lang naman mag ipon ng maliit, pero kung nais mong tumubo ng interest ang ipon mo, mainam i-Save ito sa bangko.
Save. Spend. Loan. Repeat. Apply for a 0.88% loan promo! For inquiries, send us a Message~!