Skip to content

Paano Magpalago Ng Puhunan? Stocks, Bonds, and Mutual Funds: Ano’ng Pagkakaiba?

Usapang pera. Ano’ng pagkakaiba ng stock, bonds, at mutual funds??

Grocery ba ito? Pandikit ba ito? Nagkakadevelopan ba ito? Char!

Yung totoo? Well seriously, ang pinakamalapit na salita sa tatlong bagay na ito ay: INVESTMENT o Pamumuhunan

Bakit ba tayo namumuhan? Of course, gusto natin mag-Grow ang Pera natin.

Sa paanong paraan? So eto na nga.. .

1). Stock: Kapag bumili ang isang namumuhunan ng isang stock, magkakaroon siya ng shares/bahagi sa isang kompanya o negosyo. Kapag ang negosyo ay umasenso, nakikinabang din ang namumuhunan sa pamamagitan ng pagtaas ng value ng kanyang shares. Kapag hindi naman maganda ang lagay ng negosyo, bumababa din ang value ng kanyang shares. The worst thing is losing all your shares.

Ang pagkakaiba ng stock sa bond ay mas riskier ang stock kaysa sa bond, as there is no guarantee that the stock will do well. 

However, mayroong potential na kumita ng malaki sa stock trading dahil ang stock ng kumpanya ay nakalista at naka trade sa stock market kaya mas marami ang maaaring bumili ng stock dito.

Companies sell their stock in the stock market for various reasons, such as developing new products, expanding into new markets, or even paying off debt. 

Ang mga presyo ng stock ay nagbabago araw-araw sa pamamagitan ng mga forces sa merkado. 

Kapag promising ang isang produkto o serbisyo, maraming mga tao ang nagnanais bumili ng isang stock (demand) kaysa ibenta ito (supply), pagkatapos ay tataas ang presyo ng stock. Sa kabaligtaran, kung maraming tao ang nais na magbenta ng stock kaysa bilhin ito, magkakaroon ng mas malaking supply kaysa sa demand, at mahuhulog ang presyo ng stock.

2). Bond: Ang mga bonds ay isang uri ng pamumuhunan na dinisenyo upang tulungan ang mga gobyerno at korporasyon upang makalikom ng pera. 

It can be viewed as a type of loan. Wala itong ownership or dividends tulad ng stocks, pero ang mga namumuhunan na bumili ng bonds ay nakatanggap ng bayad in the form of interest. 

Maraming negosyo ang nag-iisue ng bonds kaysa mag-Loan sa banko dahil mas mababa ang interest sa pag issue ng bonds at mas maganda ang terms sa bond market. 

Ang pagkakaiba ng bond sa stock ay mas safer ang bond kaysa sa stock dahil fixed ang interest rate payments sa bonds kaysa sa stocks. Kaya alam na ng isang namumuhunan ang interes na maaari niyang tubuin bago pa man bumili ng bonds. 

Nagbabago lang ang value ng bond depende sa lagay ng interes sa merkado.  Kapag mataas ang inflation rate sa bansa, tumataas rin ang interes. 

3. Mutual fund: Ang perang nakolekta mula sa iba’t ibang mga namumuhunan ay pinagsama-sama upang bumili ng maraming iba’t ibang mga security gaya ng stocks, bonds at kung ano-ano pang assets.

Hindi ito tulad ng stocks na naka invest lang sa isang kumpanya. Marami itong hawak na stocks or bonds. Kapag namuhunan ka sa isang mutual fund, maaari mong piliin kung saan mo ilalagay ang portfolio mo. You might choose to dedicate 5% or 10% of your portfolio to stock trading. 

Maraming paraan para mag-Grow ang pera. But what is important is how you make better investment decisions.

Naghahanap ka ba na ng legit na kumpanya para mag grow ang pera mo? 

Think wisely! Choose Lloyd’s Financing and get a guaranteed rate of return! 5% per annum!

Let’s get started! Click the Send Message button!

Lloyd's Social Messenger
0
    0
    Your Cart
    Your cart is emptyReturn